Nananatiling isa sa most-watched TV shows sa Netflix PH at iWantTFC
Mas titindi pa ang aksyon gabi-gabi dahil sa bagong misyon ng Kontraks, na nagbahagi ng kanilang pagtutulungan sa kabila ng nagbabagang init sa Itogon at nagyeyelong panahon sa Japan sa hit action series na “Incognito” noong midseason medicaon ng palabas noong Lunes (Abril 7).
Naikwento ni Richard Gutierrez, na gumaganap bilang JB Bonifacio, ang kanilang karanasan sa pagharap sa matinding snowfall sa kanilang dalawang linggong shoot sa Yamagata, Japan.
“Sobrang lamig sa lugar na ‘yun at talagang snow every day. Na-experience namin ang legit na snowstorm. Talagang it was challenging for everyone. We were tested everyday and we were able to do it as a group, as a unit. And after that, parang you can take us anywhere. That’s the type of experience na after that, kahit saan niyo ko dalhin, kaya ko na,” sabi niya.
“Worth it” umano para kay Daniel ang lahat ng hamon na kinaharap nila sa pag-shoot sa Itogon at Japan, na sobrang magkaiba ang klima. Proud din siya na maging bahagi ng action seryeng tulad ng “Incognito.”
Sa midseason trailer, inatasang hulihin ng Kontraks ang isang Kenji Lee, na sangkot sa isang organized crime group. Haharapin ng Kontraks ang mga kalaban na Hapon at sasabak sa madugong mga labanan sa nagyeyelong lansangan ng Nihon. Matutuklasan din ni Andres Malvar (Daniel Padilla) ang tunay na kalagayan ng kanyang nawawalang kapatid na si Jun.
Pinalakpakan ng mga manonood ang matinding acting ni Daniel bilang Andres habang hinahanap ang kanyang kapatid na si Jun. “Gusto ko ‘tong genre na ‘to kasi marami akong natutunan. Nasusubukan ko ‘yung sarili ko. Minsan ‘di ko alam kung kaya ko pa kaya sinasagad ko ‘yung sarili ko. Tapos kaya ko pala,” pagbabahagi ni Daniel.
Natutuwa naman ang Creative Manager na si Jay Fernando sa pakikibahagi ng mga manonood, hindi lang sa action scenes, kundi pati na rin ang mga personal na journey ng bawat isa sa Kontraks. Dapat din umanong abangan ng mga manonood ang bagong misyon sa Japan dahil mas makikilala rito ang mga Kontraks at mabibigyang linaw din ang katauhan ng El Cano, Raven, at iba pa.
Bukod dito, sinabi ni Ian Veneracion, na gumaganap bilang Kontraktor Greg Paterno, na misteryo pa rin ang kanyang karakter at araw-araw ay may natutuklasan siya tungkol dito, habang inihayag naman ni Baron Geisler, na gumaganap bilang Miguel Tecson, na kabisado na niya ang kanyang karakter at madali na lang para sa kanya na mag-transform bilang Miguel. Sa kabilang banda, ipinagmamalaki naman ni Kaila Estrada, na gumaganap bilang si Max Alvero, na isang simbolo ng women empowerment ang kanyang karakter.
Samantala, nagpapasalamat sina Maris Racal at Anthony Jennings, na gumanap bilang Gab Rivera at Tomas Guerrero, sa lahat ng suportang nakukuha nila mula sa mga manonood, na naging dahilan kung bakit isa pa rin ang “Incognito” sa pinakapinapanood na palabas sa Netflix PH at iWantTFC mula nang ilunsad ito noong Enero.
Paano kaya makakaligtas ang Kontraks sa kanilang pinakamahirap na misyon sa Japan? Matalo kaya nila ang panibagong mga kalaban at mapagtagumapayan ang misyon o makararanas sila ng panibagong pagkatalo sa gitna ng matinding lamig?
Huwag palampasin ang mga kapanapanabik na episode ng “Incognito” gabi-gabi tuwing 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Maaaring mapanood ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.