Non-stop party kasama sina Bamboo, Kyle, Darren, at Janella
Patuloy na world-class performance ang hatid ng "ASAP" sa manonood ngayong Linggo (April 13) kabilang na ang grand homecoming ni Gerald Anderson, at special numbers mula kina Moira dela Torre at Regine Velasquez, JM Ibarra at Fyang Smith, Yassi Pressman at Belle Mariano.
Hindi dapat palampasin ang espesyal na grand homecoming ng isa sa "ASAP" Heartthrobs na si Gerald na makikipag-dance showdown kina AC Bonifacio, Gela Atayde, Ken San Jose, Jeremy G, Jameson Blake, Jas Dudley Scales, at Kolette Madelo.
Pasabog na duet ang dapat abangan ng manonood mula kina Moira at Regine at isang special rendition ng kanta ni Sabrina Carpenter ang handog ni Belle. Lalo naman iinit ang stage ng ASAP sa kilig na dala nina JM at Fyang.
Mas lalong magiging espesyal ang inyong weekend dahil sa nakakabighaning sing and dance performance ni Janella Salvador ng "Abracadabra" ni Lady Gaga.
Bonggang opening performance rin ang matutunghayan ngayong weekend mula kay Yassi at OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Sofronio Vasquez, Janine Gutierrez, Edward Barber, Maymay Entrata, Darren, Yeng, Carmelle Collado, Marielle Montellano, Lyka Estrella, at Yassi.
Tuloy-tuloy ang Sunday party sa Parokya ni Edgar medley nina Sofronio, Martin, at Gary. Isang tribute naman ang gagawin nina Marielle, Carmelle, at Lyka para sa hitmaker ng champions na si Jonathan Manalo.
Huwag din palamapasin ang supresa nina Bamboo, Kyle Echarri, Darren, at Janella Salvador. Bibigyan naman ng Rockoustic Heartthrobs na sina Kice, Luke Alford, Blackburn, Anthony Meneses, Kobie Brown, at Jarren Garcia ng kanilang sariling flavor ang kanta ni Arthur Nery na "Isa Lang."
Maantig naman sa special Palm Sunday number mula kina Jamie Rivera, Gary, Ogie, Erika, Martin, ZsaZsa, Jed Madela, Jason Dy, Yeng, Jona, at 92AD.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.