News Releases

English | Tagalog

Pasilip sa bakbakan nina Coco at Jake, nakakuha ng 4M views sa loob ng 24 oras

April 02, 2025 AT 11:31 AM

Coco and Jake's action-packed clash in "FPJ's Batang Quiapo" hits 4M views in less than 24 hours

Coco Martin and Jake Cuenca’s potential rivalry in “FPJ’s Batang Quiapo” continues to generate buzz among viewers.

Nakaraan nina Charo at Cherry Pie, usap-usap online!

Naiintriga na ang netizens sa maaaring pangmalakasang salpukan nina Coco Martin at Jake Cuenca sa “FPJ’s Batang Quiapo” matapos humamig ng apat na milyong views sa loob ng 24 oras ang inilabas na special plug tampok ang kanilang mga karakter.

Isa na namang makapigil-hiningang komprontasyon ang nagbabadya dahil mauuwi sa maaksyong engkwentro ang iligal na transaksyon kung saan magkasosyo sa negosyo sina Tanggol (Coco) at Cong. Miguelito (Jake). Wala naman kamalay-malay si Miguelito na si Tanggol ang nagplano ng lahat para pagkaisahan siya para makuha ang milyon-milyong halaga ng pera.

Sa kabila ng namumuong tensyon sa pagitan nina Tanggol at Miguelito, mukhang mas magiging komplikado pa pala ang kanilang relasyon. Nabunyag na kasi ang masalimuot na nakaraan ni Tindeng (Charo Santos), ang lola ni Tanggol, sa kamay ng pamilya ni Miguelito dahil ang lolo pala nito ang nang-abuso kay Tindeng noon kaya ito nabuntis kay Marites (Cherry Pie Picache).  

​​Matapos ang pasabog na rebelasyon na ito, sunod-sunod naman ang mga post ng netizens ng kani-kanilang mga hula kung bakit maaaring magkamag-anak ang ilan sa mga karakter.

Magiging magkasangga kaya o magkalaban sina Tanggol at Miguelito? Magkadugo nga ba sila o may mga lihim pa na mabubunyag tungkol sa kanilang nakaraan?

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
 
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom