News Releases

English | Tagalog

FM Lightrix, nasungkit ang Golden Buzzer ni FMG sa "Pilipinas Got Talent"

April 22, 2025 AT 12:32 PM


Anong performance kaya ang makakakuha ng huling dalawang Golden Buzzer?

 

Ibinigay na ni Freddie “FMG” Garcia ang kanyang Golden Buzzer sa FM Lightrix matapos siyang mamangha sa performance ng grupo na gumamit ng makukulay na LED strips sa kanilang high-tech na dance number sa “Pilipinas Got Talent” Season 7 noong nakaraang Linggo (Abril 20).

Binigyan ng kakaibang ilaw ng Cebu-based group na FM Lightrix ang entablado ng “PGT” gamit ang LED costume design sa kanilang high-energy dance routine. Ibinahagi ng grupo na layunin nila na matulungan ang kanilang mga miyembro upang makapagtapos ng pag-aaral.

Pinuri nga ni FMG ang husay ng FM Lightrix sa paggamit ng ilaw at hinangaan ang kanilang dance sequence at kakaibang konsepto. Sa kanyang pagiging hurado sa loob ng pitong taon,  ito raw ang unang beses nakakita siya ng ganoong klaseng pagtatanghal.

Bukod dito, pinuri rin ni Donny Pangilinan ang kagustuhan ng FM Lightrix na makapagtapos ang kanilang mga miyembro sa pag-aaral. Nagpahayag naman ng paghanga sina Kathryn Bernardo at Eugene Domingo sa talento at nakakabilib na performance ng grupo.

Ang "Golden Buzzer" ay isang special privilege ng apat na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis. Isang Golden Buzzer lang ang pwedeng gamitin ng bawat judge at hosts sa buong auditions. Sa ngayon, tatlong Golden Buzzers na ang nakuha matapos gamitin ito nina Robi at Melai, Eugene, at FMG. Dalawang Golden Buzzers na lang ang pwedeng makuha ng auditionees.

Abangan ang iba pang nakakamanghang performances sa “Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.

Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE