Sheena Catacutan of Nation’s Girl Group “BINI” is set to make her acting debut in the second episode of the iconic drama anthology “Maalaala Mo Kaya” (MMK), bringing her inspiring story to life on screen this Thursday (May 1) on iWantTFC, with exclusive director’s cut version available worldwide, and Saturday (May 3) on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, and A2Z.
Tampok din ang pagbabalik ni Angelica Panganiban sa aktingan
Bibida si BINI Sheena Catacutan tampok ang kwento ng kanyang buhay bago maging miyembro ng Nation’s Girl group na “BINI” sa ikalawang episode ng “MMK” ngayong Huwebes (May 1) sa iWantTFC, tampok ang “unfiltered” version na available worldwide, at Sabado (May 3) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Magbabalik din sa aktingan si Angelica Panganiban na gaganap bilang ina ni BINI Sheena matapos mamahinga sa showbiz. Huling bumida si Angelica sa “Walang Hanggang Paalam” noong 2020 at naging bahagi ng iWant original film na “Love Lockdown” kasama si “That Thing Called Tadhana” co-star JM de Guzman.
Personal na gagampanan ni BINI Sheena ang kanyang buhay tampok ang kanyang mga pinagdaanan mula pagkabata hanggang sa namamayagpag na karera ngayon bilang isang miyembro ng BINI.
Nagsimula ang karera ni BINI Sheena sa showbiz matapos maging housemate sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2018. Maaga mang na-evict sa Bahay ni Kuya, itinuloy niya ang kanyang pangarap sa pag-aartista matapos sumali sa “Star Hunt Academy” noong 2019.
Sa gitna ng kanyang matinding training bilang miyembro ng BINI at pag-abot ng pangarap, pumanaw ang kanyang ina na nakaapekto at sumubok sa kanya.
Opisyal na naging bahagi ng Nation’s Girl group si BINI Sheena noong 2020 at unang nailunsad ang official single ng grupo na “Born to Win” noong 2021.
Samantala, makakasama naman nina BINI Sheena at Angelica sina Aljon Mendoza, Janell Gonzaga, Tart Carlos, Malou de Guzman, at Bembol Roco sa direksyon ni Froy Allan Leonardo at panulat ni Joan Habana.
Eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” at buong bersyon ng bawat episodes tampok ang director’s cut at mga eksenang mas malalim na tatalakay sa mga kwentong bibida bawat linggo.
Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing Sabado, 8:30 pm hanngang 9:30 pm.
Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 48 hours in advance. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.