Abangan ang birthday pasabog nina Kim, James, at Maymay
Isang espesyal na Mother's Day celebration ang dapat abangan ng manonood sa sunod-sunod na world-class performances na hinanda ng "ASAP" ngayong Linggo.
Paniguradong ikasisiya ng mga nanay ang hinandang opening performance nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, at Angeline Quinto.
Kasabay ng pagdiriwang ng Mother's Day, pasabog na birthday performance ang hatid ng Multimedia Idol na si Kim Chiu.
Espesyal din na birthday production number ang mapapanood mula kay James Reid.
Dream come true naman para kay Maymay ang maka-duet si Regine sa kanyang birthday celebration ngayong Linggo.
Abangan din ang world-class kantahan mula kina Zsa Zsa, Jed Madela, JM Dela Cerna, Reiven Umali, JM Yosures, Jason Dy, at Khimo Gumatay.
Pakatutukan din ang 10th anniversary celebration ni Inigo Pascual kasama sina Darren, at Kyle.
Tuloy-tuloy ang party sa pagperform ni Jeremy G ng kanyang latest song kasama sina Darren Cashwell, AC Bonifacio, Gela Atayde, Ken San Jose, Jas Scales, Jameson Blake, at Kolette Madelo. Tunghayan din ang unang pagtapak ni Marko Rudio sa "ASAP" stage bilang bagong Kapamilya singing champion.
May treat din si Belle Mariano na sing and dance performance para sa kanyang fans. Samantala, paiinitin naman nina Loisa Andalio at Alexa Ilacad ang "ASAP" stage.
Panoorin din ang nakaka-antig na bagong kanta ni Kyle na inaalay niya para sa kanyang kapatid.
Huwag din kalimutan ang kauna-unahang collab nina Moira at Rockoustic heartthrobs na sina Jarren Garcia, Kobie Brown, Luke Alford, Blackburn, at Anthony Meneses at abangan sin ang bigating collaboration ni Gary at RJ dela Fuente.
Hindi rin dapat palampasin ang all-star inspirational number mula kina Gary, Martin, Regine, Darren, Carmelle Collado, Lyka Estrella, Marielle Montellano, Zsa Zsa, Erik, Jona, Ogie, Angeline, at Yeng.
Mas pasisiyahin naman nina Darren, Belle, and Edward ang espesyal na Mother's Day celebration ng "ASAP" ngayong weekend.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.