News Releases

English | Tagalog

Kathryn, napukaw sa contemporary dance act ng Fil-Canadian sa "Pilipinas Got Talent"

May 13, 2025 AT 01:32 PM

Tutukan kung sino pa ang makakakuha ng yes sa huling auditions ngayong weekend...
 
Diretso na sa live semifinals ang Filipino Canadian jazz dancer na si Jasmine Flores matapos masungkit ang golden buzzer ng Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo.

Kinahangaan ng judges ang kakaibang contemporary dance act ni Jasmine na may blend ng jazz, ballet, at acrobatics. Malinis din niyang nagawa ang pirouettes at backflips ng kanyang routine.

Napabilib nga ni Jasmine si Kathryn dahil sa hindi pagkalimot nito sa kanyang Filipino roots at kung paano rin niyang naipamalas ang ginintuang talento sa stage.

Nakakuha nga ang dalaga ng standing ovation sa lahat ng judges. Ayon kay FMG, natuwa siya na naipakita ni Jasmin ang iba't ibang klase ng movements mula jazz hanggang acrobatics. Proud Pinay naman si Eugene Domingo habang pinanonood niya ang babaeng nagpapakitang gilas ng kanyang talento. Maituturing ni Donny Pangilinan na rare makita ang jazz dancing act ni Jasmine sa "PGT" stage.

Ang "Golden Buzzer" ay isang special privilege ng apat na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis. Sa ngayon,lahat na ng Golden Buzzers ay nakuha na at naghahanda na ang mga ito para sa kanilang live performances.

Abangan ang huling set ng auditionees  sa “Pilipinas Got Talent” Season 7, ngayong weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.

Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE