Ang pinakabagong artist ng StarPop
Ipinakilala ng ABS-CBN record label na StarPop ang kanilang bagong artist na si Christophe Sommereux na naglabas ng kanyang self-titled debut album.
Ibinahagi ng anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang excitement niya para sa kanyang album at pagsisimula ng journey niya bilang recording artist.
“I’m incredibly grateful and excited to be a part of this family and I’m really excited to share my music to the world. I know this won’t be easy but I’m ready to traverse this diverse, challenging, and unpredictable landscape of the OPM industry,” saad ni Christophe sa kanyang Instagram post.
Hatid ng alternative rock album ang iba’t ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, at pananabik na dala ng pag-ibig.
Tampok dito ang ilan sa orihinal na komposisyon ni Christophe na “Take Care,” “Sira,” “Abot Bituin,” at tatlong bagong awitin tulad ng “Sine,” “Basta Ika’y Nariyan,” at “Aren’t You Ready.” Nagsilbing executive producers nito sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo.
Sa key track na “Sine,” na iprinodyus at inareglo ni Gabriel Tagadtad, ikinuwento ni Christophe ang perfect movie date na swak para sa taong iniibig.
Nagsimula si Christophe na sumulat ng kanyang sariling mga awitin sa edad na 15. Hilig niya ang genres na pop, rock, at alternative at musical influences niya ang iconic bands tulad ng The Beatles, Queen, at Guns N’ Roses. Noong 2022, naging bahagi siya ng Summer Blast concert kung saan nag-perform siya sa harap ng mahigit 50,000 na tao at nakasama niya ang iba’t ibang artists tulad ng BINI, Gloc-9, at December Avenue.
Available ang debut album ni Christophe na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.