News Releases

English | Tagalog

Selebrasyon ng buhay nina Nora Aunor, Pilita Corrales, Hajji Alejandro, at Pope Francis, tampok sa "ASAP"

May 02, 2025 AT 05:06 PM

Martin, Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Yeng, Belle, FranSeth, at iba pa, may mga tribute prod


Samahan ang “ASAP” family sa isang masayang pag-alala sa buhay at legacy ng OPM at showbiz icons na sina Nora Aunor, Hajji Alejandro, at Pilita Corrales, gayundin ang pinakamamahal Catholic leader na si Pope Francis sa pamamagitan ng mga nakakaantig na pagtatanghal ngayong Linggo (Mayo 4).

Bibigyang-pugay ang showbiz royalty at National Artist for Film and Broadcast Superstar Nora Aunor sa pamamagitan ng sing and dance opening performances mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren Espanto, Belle Mariano, Loisa Andalio, AC Bonifacio, Kyle Echarri, at Mayle Echarri.

Mas makikilala pa ng viewers si Nora sa mga kwento ng mga apo na niyang sina Janine, Max, at Jessica Gutierrez at mula sa direktor na si Adolf Alix. Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang taos-pusong pagtatanghal mula kina Jed Madela at Angeline kasama ang ASAP Chorale,  espesyal na renditions mula kina Jona at Gary, pati na rin ang mga duet mula kina Francine Diaz at Seth Fedelin, Zsa Zsa at Erik, at Regine at Ogie.

Aalalahanin rin sa “ASAP” ang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales sa pamamagitan ng mga pasabog na cover ng kanyang hit songs mula kina Martin, Regine, at Jackie Lou Blanco. Subaybayan naman ang isang masiglang sayawan mula kina AC, Gela Atayde, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Fyang Smith, Jas Scales, at Kolette Madelo tampok ang mga iconic na kanta ni Pilita. Pakinggan din ang  nakakaantig na kwento tungkol kay Pilita mula kay Janine.

Isa rin masayang tribute ang matutunghayan ng fans para  sa OPM hitmaker na si Hajji Alejandro kasama sina Martin, Ogie, Darren, Kyle, Nonoy Zuniga, Marco Sison, at ang pamangkin ni Hajji na si Nino Alejandro.
Hindi naman magpapahuli ang “ASAP” sa pagdiriwang sa buhay ni Pope Francis. Pakinggan ang mga nakaka-inspire na rendition ng “Tell The World of His Love” at “We Are All God’s Children” hatid nina Gary, Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Jona, Jed, Darren, Carmelle Collado, Lyka Estrella, Khimo, at JM Yosures. Makakasama rin sa selebrasyon ngayong Linggo ang “ASAP” hosts na sina Janine, Belle, Maymay, Darren, at Edward Barbers.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.