Former “Pinoy Big Brother Gen 11” housemates and rising Gen Z Kapamilya stars JM Ibarra and Fyang Smith are set to make their acting debut as a loveteam in the upcoming iWantTFC original digital series, “Ghosting,” premiering this July.
Hatid ang pamatay na kilig ng taon na may halong hugot at hiwaga
Bibida sina Fyang Smith at JM Ibarra sa kanilang kauna-unahang iWant Original digital series na “Ghosting” bilang ganap na loveteam tampok ang ang pamatay na kwento ng taon na may halong kilig, hugot, at hiwaga, na mapapanood ngayong Hulyo sa iWant.
Tampok sa walong episode ng “Ghosting” ang kwento ng isang dalagang estudyante na nagdedisyong manirahan sa probinsya kasama ang kanyang lola matapos ma-ghost o iwan nang hindi inaasahan ng taong kanyang unang minahal. Sa hindi inaasahang pagkakataon, na-inlove siya sa isang misteryosong probinsyano na literal na “ghost” o multo.
Isa ang “Ghosting” sa mga unang digital series na ilulunsad kasabay ng bagong bersyon ng iWant ngayong Hulyo, tampok ang bago at mas pinadaling user interface nito para sa mas personal na viewing experience ng bawat manonood. Magsisilbing unang patikim ang “Ghosting” sa bagong direksyon ng iWant hatid at bida ang kwentong Pinoy saan mang sulok ng mundo.
Kasama naman sa cast ang Kapamilya stars na sina “Pinoy Big Brother Connect” ex-housemate Kobe Brown, “Pinoy Big Brother Luck 7” ex-housemate Vivoree, “He’s Into Her” star Gello Marquez, at award-winning actresses na sina Ces Quesada at Ruvy Ruiz, na magbibigay-lalim at kulay sa kung ano nga ba “Ghosting.”
Sa direksyon ni Ted Boborol, ang direktor ng ilang blockbuster movies na “Vince, Kath, & James,” “James & Pat & Dave,” at ‘Finally Found Someone,” bibida rin sa “Ghosting” ang kwento ng second chances at pag-iibigan na walang hanngangan, hanggang kabilang buhay.
Magsisilbing flagship series ang “Ghosting” sa relaunch ng streaming platform nito na iWant ngayong Hulyo kasabay ng mga palabas at iba pang offerings na bida ang kwento ng kasalukuyang henerasyon.
Abangan ngayong Hulyo ang “Ghosting” na eksklusibong mapapanood sa iWantTFC. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.