News Releases

English | Tagalog

"Zero Pressure" performance video ng BINI, nanguna sa YouTube 'Trending for Music'

May 21, 2025 AT 03:52 PM

BINI's "Zero Pressure" performance video tops YouTube's 'Trending for Music'

In time for their "BINIverse" world tour, BINI has released the performance video for "Zero Pressure" which has amassed over 1 million views on YouTube.

Unang performance video pagkatapos ng “Pantropiko”
 
Umakyat agad sa #1 ‘Trending for music’ sa YouTube ang “Zero Pressure” official performance video ng nation’s girl group na BINI na umani na sa kasalukuyan ng mahigit sa 1 million views.
 
Ito ang una nilang performance video pagkatapos ng “Pantropiko” na nagtatampok ng fresh choreography mula kina RENAN at KITKAT, mga kilalang choreographer na nasa likod ng ilang sayaw mula sa tanyag na girl groups tulad ng Aespa, I-dle, at XG. Kinunan ang video sa A:Museum sa Ayala Malls Manila Bay.  
 
Inilabas ang performance video kasabay ng “BINIverse World Tour” na nagsimula na sa sold-out concert sa Dubai noong Linggo (Mayo 18)  at magpapatuloy sa United Kingdom, United States, at Canada. 
 
Kabilang ang “Zero Pressure” sa “BINIverse” EP na inilunsad noong Pebrero. Gawa ang kanta sa parehong music camp kung saan nanggaling ang “Cherry On Top.” Sina Melanie Fontana, Elle Campbell, at Michel Schulz ang sumulat ng kanta kasama si Skylar Mones na nagprodyus din nito katulong si Lindgren. 
 
Panoorin ang “Zero Pressure” performance video sa BINI Official YouTube channel at patuloy na pakinggan ang “BINIverse” EP.
 
Para sa updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube o bisitahin ang bini.abs-cbn.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE