“MMK” (Maalaala Mo Kaya) uncovers the dark truth behind the Maguad siblings’ tragedy in the gripping conclusion of its two-part special, streaming this Wednesday (May 21) on iWant with an exclusive director’s cut available worldwide.
“MMK,” number 1 show sa iWant sa buong Pilipinas
Matapos ang emosyonal na unang bahagi ng kwento sa pagpatay sa magkapatid na Maguad, tampok sa huling bahagi ng pagsasabuhay ng kanilang kwento sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya) ang paghahanap ng kanilang pamilya ng hustisya ngayong Miyerkules (May 21) sa iWant, tampok ang “unfiltered” version na available worldwide.
Nangunguna ang “MMK” sa mga palabas na mapapanood sa iWant sa buong Pilipinas matapos ang tagos sa pusong unang bahagi ng kwento ng pamilya Maguad na pumukaw sa interes ng mga manonood dahil na rin sa tapang ng mga magulang na harapin ang hindi inaasahang pagtataksil ng kanilang ampon na si Jasmine (Karina Bautista).
Iikot ang huling bahagi ng kwento ng pamilya Maguad sa pamamaslang ni Jasmin sa magkapatid na Gynn (Criza Taa) at Boyboy (Miguel Vergara) noong 2021, tampok ang hirap na dinanas ng kanilang mga magulang na sina Lovella (Dimples Romana) at Cruz Maguad (Joem Bascon) sa paghahanap ng katotohanan at hustisya.
Sa direksyon ni Onat Diaz at panulat ni Benson Logronio, eksklusibong mapapanood ang ikalawa at huling bahagi ng kwento ng pamilya Maguad sa iWant kasama ang “unfiltered” at buong bersyon ng kwento ng pamilya Maguad na hango mismo sa mga salaysay ni Lovella at records mula sa Department of Justice at Philippine National Police.
Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing Sabado, 8:30 pm hanngang 9:30 pm.
Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 72 hours in advance, kada Miyerkules. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.