Gabi-gabi pa ring sinusubaybayan ng mga Pilipino ang maaaksyong bakbakan ni Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo,” matapos itong magtala ng 24.78% average na pinagsamang national TV rating noong Mayo 1 to 20 para manatiling most-watched teleserye sa bansa.
Ang Kapamilya teleserye nga ang nangungunang programa sa primetime matapos nitong magrehistro ng halos dobleng national TV rating kumpara sa 12.64% fused TV rating ng katapat na serye, mula sa parehong urban at rural homes ayon sa datos ng Kantar Media. Patuloy ang pamamayagpag ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa national viewership charts mula noong umere ito noong 2023 sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Bukod sa telebisyon, namamayagpag din ang serye sa online viewership. Para sa Mayo 1 hanggang Mayo 18, nakapagtala ito ng higit 100 million views para sa pinagsama-samang full episodes at highlights nito sa YouTube. Kumpara ito sa 4 million views na nakuha ng katapat na serye para sa parehong panahon.
Patuloy na kinakapitan ng mga Pilipino ang pakikipagsapalaran ni Tanggol (Coco Martin) sa mas pinalakas na maaaksyong engkwentro bilang ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng pamilya Montenegro. Lagi ngang trending sa social media ang mga eksena at karakter nito kung saan patok na patok sa mga manonood ang halo-halong emosyon, drama, at aksyon.
Taos-pusong nagpapasalamat ang lahat ng bumubuo sa “FPJ’s Batang Quiapo” para sa walang-sawang suporta ng mga manonood na gabi–gabing sinusubaybayan ang buhay ni Tanggol sa TV at online.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo” gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.