News Releases

English | Tagalog

Angela Ken, nais ilaban ang pag-ibig sa bagong awitin na "Pwede Bang Mamaya?"

May 26, 2025 AT 01:06 PM

Bagong anthem para sa mga ayaw pang bumitaw sa pag-ibig

Pag-ibig na hindi mabitawan ang ibinida ng singer-songwriter na si Angela Ken sa kanyang bagong awitin na “Pwede Bang Mamaya?

Mula sa orihinal na komposisyon ni Angela ang awitin na tungkol sa paghingi ng ilang oras para makasama pa ang taong iniibig kahit na patungo na ang relasyon nila sa pagwawakas.

“Gumawa ako ng kanta para sa mga taong ayaw nating magpaalam kahit ramdam na nating umaayaw sila. It’s a song that validates your heart’s plea,” saad niya.

Ito ang latest single ni Angela sa ilalim ng Tarsier Records kasunod ng mellow-pop song na “Kulimlim.” Inilunsad niya ang music video nito sa isang launch party na naganap noong Huwebes (May 22) sa Sari Sari Bar sa Makati.

Unang nakilala ang Kapamilya artist nang ilabas niya ang breakout hit na “Ako Naman Muna” noong 2021. Kasunod nito, inilunsad niya ang self-titled debut album na umani na ng mahigit 50 million streams sa Spotify. Patuloy niyang ipinamalas ang musicality sa recent singles na “Alas Diyes” at “Sikulo” na hit collaboration niya kina Maki at Nhiko Sabiniano.

Pakinggan ang nakakaantig na mensahe ni Angela sa “Pwede Bang Mamaya?” na available na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok. o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE