Award-winning actress Iza Calzado takes center stage in the latest episode of “MMK” (Maalaala Mo Kaya) as Marissa, a teacher and stepmother whose unwavering love for her stepdaughter is put to the ultimate test after a traumatic event that shakes their family, streaming this Wednesday (May 28) 8:30 p.m. on iWant with an exclusive director’s cut available worldwide.
“MMK,” patuloy pa ring nangunguna sa iWant sa buong Pilipinas
Bibida si Iza Calzado bilang isang guro at madrasta sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya), tampok ang hindi matatawarang pagmamahal sa anak ng isang ina at kung paano niya ito ipinaglaban matapos maabuso mismo ng kanyang mga estudyante, ngayong Miyerkules (May 28), 8:30 p.m., sa iWant, tampok din ang “unfiltered” version na available worldwide.
Patuloy pa ring nangunguna ang “MMK” sa mga palabas na napapanood sa iWant sa buong Pilipinas, kasabay ng paglabas ng ikalimang episode nito ngayong linggo, tampok ang mga makabagbag-damdaming kwento na layuning magbigay inspirasyon sa sambayanang Pilipino.
Magbabalik naman sa mabigat na aktingan si Iza matapos bumida sa horror film na “The Caretakers” nitong Pebrero at magbalik sa sa mundo ng teatro sa “Tiny Beautiful Things” noong 2024.
Makakasama ni Iza bilang asawa ng kanyang karakter sa totoong buhay na si Marissa si James Blanco na gaganap bilang Albert, isang simpleng tricycle driver at mapagmahal ngunit striktong ama sa nag-iisang babaeng anak na si Angel na gagampanan ni Krystal Mejes.
Lumaking mang malayo ang loob ni Angel sa madrasta, paglalapitin naman sila ng mapaglarong tadhana sa hindi inaasahang kagimbal-gimbal na pang-aabuso ng mga estudyante mismo ni Marissa kay Angel na sina Dennis at Carlo, na gagampanan nina Benedix Ramos at Lance Lucido.
Sa direksyon ni Paco Sta. Maria at panulat ni Raymund Barcelon, bibida ang kwento ng pagmamahal ng isang madrasta sa anak ng kanyang asawa na sa kabila ng madalim na nakaraan, matapos makaranas din ng pang-aabuso noong bata pa lamang, walang pinipiling dugo o pinanggalingan ang pagiging isang tunay na ina.
Samantala, makakasama naman nina Iza at James sa ikalimang episode ng “MMK” ang bagong Kapamilya at “Saving Grace” child star na si Zia Grace at “Isang Himala” star at theater actress na Kakki Teodoro.
Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing Sabado, 8:30 pm hanngang 9:30 pm.
Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWant, 72 hours in advance, kada Miyerkules. Available na rin ang iWant via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.