News Releases

English | Tagalog

Mga pelikula ng National Artist at Superstar na si Nora Aunor, tampok sa Cinema One ngayong Mayo

May 07, 2025 AT 10:54 AM

Mother’s Day special itatampok ang “Anak,” “One More Try,” atbp.

Isang espesyal na month-long film tribute para sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor ang handog ng Cinema One ngayong Mayo tampok ang ilan sa kanyang mga pelikula na tumataktak sa kasaysayan ng Philippine Cinema at sa maraming manonood. 

Balikan ang ilan sa mga hindi malilimutang pelikula ni Nora tulad ng “Minsa’y Isang Gamo-gamu” sa Mayo 11, “Bulaklak sa City Jail” sa Mayo 18, at “Himala” sa Mayo 25 na mapapanood sa Restored Cinema tuwing Linggo, 9pm.

Bago sumikat si Nora bilang isang batikang aktres, nagsimula siya bilang singer at sumali sa iba’t ibang competitions na naging daan upang pasukin niya ang mundo ng pag-arte. Kinilala ng FAMAS awards si Nora bilang hall of fame awardee at siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng Asian Film Award for Best Actress. 

Throwback drama films naman ang hatid ni Judy Ann Santos sa kanyang pagbida sa Monday Drama. Saksihan siya bilang ang nalilito sa pag-ibig na si Annie sa “Kahit Isang Saglit” sa Mayo 12, career woman na si Abby sa “Don’t Give Up on Us” sa Mayo 19, at ang matapang na bida na sa “Sabel” sa Mayo 26, 9pm.

Samantala, mga nakakaantig na kuwento na para sa pamilya ang tampok sa Mother’s Day special ng Cinema One. Huwag palampasin ang “Madrasta” ni Sharon Cuneta sa Mayo 11, “One More Try” nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo sa Mayo 18, “Anak” nina Vilma Santos at Claudine Barretto sa Mayo 25 na mapapanood tuwing Linggo, 3pm.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE