News Releases

English | Tagalog

Pagpatay sa Maguad siblings, tampok sa “MMK”

May 07, 2025 AT 05:57 PM

“MMK” spotlights the story of the Maguad family’s orphan killer

The heartbreaking true story of the Maguad family from North Cotabato, who opened their hearts and home to an adopted girl only to face an unimaginable tragedy, takes center stage in the third episode of Maalaala Mo Kaya (MMK), streaming this Thursday (May 8) on iWantTFC, with an exclusive director’s cut version available worldwide, and airing Saturday (May 10) on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, and A2Z.

Pagbibidahan nina Dimples Romana, Joem Bascon, Criza Taa, Miguel Vergara, at Karina Bautista

Tampok ang kwento ng pagmamahal at malasakit ng pamilya Maguad mula North Cotabato para sa isang dalagitang inampon na nagsukli ng madilim na alaala, matapos patayin ang magkapatid na Maguad, sa ikatlong episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) ngayong Huwebes (May 8) sa iWantTFC, tampok ang “unfiltered” version na available worldwide, at Sabado (May 10) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Bibida sina Dimples Romana at Joem Bascon sa dalawang episode tampok ang kwento ng pamilya Maguad, na mapapanood ang ikalawang yugto sa iWantTFC sa May 15 (Huwebes), bilang mag-asawang Lovella at Cruz Maguad na parehong nagsumikap para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak bilang school principal at guro. 

Gaganap naman bilang Maguad siblings sina Criza Taa (Gwynn) at Miguel Vergara (Boyboy) na parehong napalaki ng kanilang mga magulang na magalang, masipag, mapagmahal sa pamilya, at may mataas na pangarap sa buhay. 

Kinainggitan ng ampon na si Jasmine, na gagampanan ni Karina Bautista, ang magkapatid na mismong kumumbinsi sa kanilang mga magulang na amponin siya. Nangibabaw ang malademonyong diwa sa likod ng kanyang malaanghel na mukha na nagging dahilan ng pagpatay niya sa Maguad siblings.

Samantala, gaganap naman si Anna Luna bilang Tata, na siyang nakababatang kapatid ni Lovella at dating amo ni Jasmine.

Sa direksyon ni Onat Diaz at panulat ni Benson Logronio, eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” at buong bersyon ng kwento ng pamilya Maguad na hango mismo sa mga salaysay ni Lovella at records mula sa Department of Justice at Philippine National Police.

Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing Sabado, 8:30 pm hanngang 9:30 pm.

Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 48 hours in advance. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. 

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE