News Releases

English | Tagalog

Kyla, "Back to Bliss" sa bagong worship song

May 08, 2025 AT 11:30 AM

Humugot ng inspirasyon mula sa matinding pinagdaanan  

Tungkol sa paghilom mula sa matinding sugat ng damdamin ang bagong worship song ni Kyla na pinamagatang “Back to Bliss.” 

“Healing starts with a song,” sabi ng tinaguriang Queen of R&B sa Instagram sa pagpapakilala niya ng bagong kanta na siya mismo ang sumulat katulong si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo. 

Tungkol ang soulful masterpiece na “Back to Bliss” sa pagsuko sa Diyos at pagsusubok na ibalik ang saya at pag-asa sa buhay pagkatapos ng matinding pinagdaanan. 

Sabi ni Kyla, mahirap ipaliwanag ang konsepto ng ‘bliss’ subalit worth pa rin itong hanapin at sa tingin niya ay malapit na niya itong makamtam.  

Aniya, “Coming home to this and just being–I think I’m on my way there… to bliss. I feel wonderful, I want to smile from ear to ear.”  

Samantala, pinuri ng netizens ang kanta sa pamamagitan ng official lyric video nito na napapanood sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.  

“I knew our hearts and ears will be blessed. Kasi Kyla yan eh. But nothing could have prepared me for this. Ako lang ba ung naiyak sa saya? Ang ganda ganda ng song,” comment ng isang online viewer. 

“Thank you Kyla for this comforting song. Plus your angelic voice,” sabi naman sa isa pang netizen. 

Pakinggan at humugot ng inspirasyon sa “Back to Bliss” ni Kyla na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE