News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, Box Office Heroes sa 8th EDDYS

July 21, 2025 AT 04:30 PM

Kathryn, Vice Ganda, at JoshLia, wagi!

Limang ABS-CBN stars ang tumanggap ng parangal sa ginanap na 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Itinanghal na Box Office Heroes sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa “Hello, Love, Again,” ang highest-grossing Filipino film of all time.

Tinanggap din ng nag-iisang Unkabogable Superstar Vice Ganda ang parehong parangal para sa “And the Breadwinner Is…”

Wagi rin ng Box Office Hero na parangal sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa comeback movie ng “JoshLia” na “Un/happy for You.”

Mapapanood ang 8th EDDYS sa iWant, Kapamilya Channel, at Jeepney TV simula Hulyo 27, Linggo.

Ang The EDDYS ng SPEEd ay kumikilala sa mga huwaran sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.