News Releases

English | Tagalog

"PBB Gen 11" finalist na si Kolette Madelo, ibinida ang "Sayaw" ng buhay sa debut EP

June 10, 2025 AT 09:14 AM

"PBB Gen 11's" Kolette Madelo dances through life in debut EP "Sayaw"

Kolette Madelo begins her journey as a recording artist with her debut EP "Sayaw."

Nanguna agad sa iTunes PH, Qatar, at UAE

Bagong journey bilang recording artist ang binuksan ng “Pinoy Big Brother: Gen 11” finalist na si Kolette Madelo matapos ilunsad ang kanyang debut extended play (EP) na “SAYAW” sa ilalim ng Star Music.

Tampok sa mini album ang limang awitin na inihahalintulad ang buhay sa isang sayaw na sinasalamin ang kasiyahan o kalungkutan sa bawat galaw. Kabilang sa mga awitin nito ang “Galaw Galaw,” “Sayaw,” “keep up,” “Sasamahan Ka (Araw-Araw),” at “Our Love is Gone.”

Nagsisilbing key track ng EP ang “Galaw Galaw” na tungkol sa pagharap sa mga hamon ng buhay at pagsayaw dito nang buong puso. Mula ito sa komposisyon at produksyon ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Umarangkada agad ang unang music offering ni Kolette sa iTunes Philippines, Qatar, at UAE albums charts habang nakapasok din ito sa top 10 sa Sinagapore at Saudi Arabia, at napabliang din sa iTunes Worldwide albums chart sa ika-62 na pwesto. Nanguna naman ang album tracks nito na nasungkit ang buong top 5 ng songs chart.

Kamakailan ay ibinida ng bagong Kapamilya singer ang kanyang pop star image sa sold out album launch at fan meet na “Call Me…Kolette” na naganap sa SM North Edsa Skydome.

Available ang “SAYAW” EP ni Kolette sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE