News Releases

English | Tagalog

“BINI Chapter 3: Hanggang Dulo” sa iWant ngayong Hunyo 12

June 11, 2025 AT 01:51 PM

“BINI Chapter 3: Hanggang Dulo” spotlights BINI’s journey to global stardom, streaming June 12 on iWant

Directed by filmmaker Jet Leyco and written by ABS-CBN chief of reporters Jeff Canoy, the third and concluding chapter of the trilogy captures BINI’s breakthrough on the global stage, chronicling how the P-Pop sensation pursues their international dreams while holding on to the lessons, values, and bond they have built together.

Tampok ang ilang eksklusibong pasilip ng kanilang BINIverse world tour

Bibida ang mga pagsubok na pinagdaan at mga tagumpay na nakamit ng nation’s girl goup na BINI sa nagdaang mga taon sa ikatlong yugto ng docuseries na “BINI Chapter 3: Hanggang Dulo,” na eksklusibong mapapanood worldwide sa iWant ngayong Hunyo 12, 8pm (PHT).

Sa pangunguna ng iWant Orginals at ABS-CBN News Documentaries, tampok sa huling yugto ng docuseries ang pagsusumikap nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena na makilala sa buong mundo at ang matibay nilang samahan bilang isang grupo.

Sa direksyon ng filmmaker na si Jet Leyco at panulat ni ABS-CBN chief of reporters Jeff Canoy, hatid din ng “BINI Chapter 3: Hanggang Dulo” ang ekskulisibong pasilip sa tagumpay at mga pinagdaanan ng BINI sa labas ng bansa kabilang ang ilang eksena mula sa kanilang “BINIverse” world tour sa Estados Unidos at Canada, pati na rin ang matagumpay nilang homecoming concert sa Araneta Coliseum.

Nitong Mayo, nakatanggap ng finalist certificate ang unang yugto ng BINIdokyu na “Born to Win” sa 2025 New York Festivals TV & Film Awards, sa ilalim ng Biography and Profiles category, patunay sa makabuluhan at makasaysayang kontribusyon ng grupo sa industriya ng musika, lokal man o internasyonal.

Parehong mapapanood at available ang dalawang naunang yugto ng docuseries na “Born to Win” at “Here with You” sa iWant.

Abangan at panoorin ang huling yugto ng docuseries ng nation’s girl group, ngayong June 12, 8pm (PHT) na “BINI Chapter 3: Hanggang Dulo,” na eksklusibong mapapanood sa iWant. Available na rin ang iWant via Chromecast at Airplay. 

Mag-subscribe na sa iWant sa halagang ₱35 lang kada buwan at panoorin ang docuseries, kasama ng iba pang iWant Exclusive Originals, sa iyong Smart TV. I-experience ang unang patikim sa “glow-up” at bagong viewing experience hatid ng iWant bago ang inaabangang full relaunch ngayong Hulyo.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE