News Releases

English | Tagalog

Mga baguhang Kapamilya singers, hiling ang panibagong pagkakataon sa pag-ibig

June 13, 2025 AT 08:03 AM

Naglabas ng mga awitin tungkol sa paghingi ng tawad at pagnanais ng pangalawang pagkakataon ang promising Kapamilya singers na sina Arkin Lagman at BAN. 
 
Pabalik Na” ang titulo ng debut single ni Arkin na isang crooner mula sa Pampanga na mahilig umawit ng vintage love songs.
 
Ang awiting “Sa ‘King Pagbabalik” naman ang inilunsad ni BAN, o Brandon Yulo Baculo. Sinusundan nito ang debut single niyang “Magparaya” at kolaborasyon sa isa pang up-and-coming Kapamilya artist na si Thor na “Muli.”
 
Nagmula ang dalawang bagong lunsad na kanta sa komposisyon ng batikang songwriter na si Kiko “KIKX” Salazar at prinodyus ni ALAS sa ilalim ng Old School Records ng ABS-CBN.
 
Pakinggan ang “Pabalik Na” single ni Arkin at “Sa ‘King Pagbabalik” ni BAN na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE