News Releases

English | Tagalog

"And The Breadwinner Is...," nangungunang pelikula sa Netflix PH

June 17, 2025 AT 11:23 AM

"And The Breadwinner Is..." leads list of top movies in Netflix Philippines

The Metro Manila Film Festival 2024 box-office hit “And The Breadwinner Is…,” starring Vice Ganda, topped the list of most-watched movies in Netflix Philippines

Pelikulang pinabibidahan ni Vice Ganda, available na sa Netflix

Panalo sa puso ng mga manonood ang Metro Manila Film Festival 2024 box-office hit na “And The Breadwinner Is…,” na pinagbibidahan ni Vice Ganda, dahil ito ang nangungunang pelikula sa Netflix Philippines matapos itong maging available sa naturang streaming platform simula noong Hunyo 12. 

Patuloy ang pagpuri ng mga manonood sa tagos sa pusong kwentong pang-pamilya dahil nakaka-relate ang mga Pilipino sa iba’t ibang sakripisyo at pagsubok na pinagdadaanan ng bawat karakter sa pelikula. 

Umiikot ang kwento ng “And The Breadwinner Is…” sa OFW breadwinner na si Bambi (Vice), kung saan pineke nito ang sariling pagkamatay bilang sakripisyo upang tulungan ang pamilya na lubog sa utang. 

Nagtala ito ng P460 na kita sa takilya para sa loob at labas ng Pilipinas at ito ang nagsisilbing unang proyekto na magkasama sina Vice at award-winning na direktor na si Jun Robles Lana. 

Nasungit ng pelikula ang award para sa Gender Sensitivity noong 50th MMFF Gabi ng Parangal, habang kinilala si Vice ng Special Jury Citation award para sa natatangi niyang pagganap.

Mula sa Star Cinema at The IdeaFirst Company, kasama rin sa “And The Breadwinner Is…” sina Eugene Domingo, Malou De Guzman, Joel Torre, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal, Anthony Jennings, Kokoy De Santos, Lassy Marquez, MC Muah, Via Antonio, Kiko Matos, Argus Aspiras, at Kulot Caponpon.

Para sa iba pang mga detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok. Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE