News Releases

English | Tagalog

"TNT" champs Lyka Estrella at Marielle Montellano, sanib-pwersa para sa duet na "Wish You The Best"

June 17, 2025 AT 09:53 AM

"TNT" champs Lyka Estrella and Marielle Montellano drop collab single "Wish You The Best"

New gen singing champs Lyka Estrella and Marielle Montellano deliver vocal showdown in their single "Wish You The Best."

Nag-showdown sa bagong anthem ng pagpaparaya

Nagsama ang “Tawag ng Tanghalan” champions na sina Lyka Estrella at Marielle Montellano para sa kanilang ballad single na “Wish You The Best.”

Umiikot ang awitin sa pagbitaw sa masasakit na alaala ng pag-ibig at pagkakaroon ng kapayapaan upang palayain ang taong dating iniibig. Nagmula ito sa komposisyon ng award-winning songwriter na si Jungee Marcelo at produksyon ni Soc Villanueva.

Unang nakilala si Lyka nang hirangin siya bilang grand champion ng “TNT” season 6. Kasunod nito, inilabas niya ang debut single na “Hawak Mo” noong 2023 na naging soundtrack ng Kapamilya series na “Nag-Aapoy Na Damdamin.” Nakasama niya naman sina Raven Rigor at “PBB Gen 11” finalist na si Kolette Madelo para sa music video ng kantang “Hayy Langga.”

Samantala, nakilala si Marielle bilang unang kampeon ng “Tawag ng Tanghalan: Duets” kasama si JM Dela Cerna. Noong 2018, inilunsad niya ang first single na “Talaga Ba” at habang nagkaroon siya ng kolaborasyon kay JM na “Pag Ang Puso Ang Nagsabi” noong 2024.

Nagkasama sina Lyka at Marielle sa sold-out concert na “New Gen Champs” tampok ang iba pang singing champions na sina JM, JM Yosures, Khimo Gumatay, Rea Gen Villareal, at Reiven Umali na naganap sa Music Museum noong nakaraang taon.

Napapakinggan ang “Wish You The Best” nina Lyka at Marielle sa iba’t ibang streaming platforms.  Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE