News Releases

English | Tagalog

“FPJ’s Batang Quiapo,” “Incognito,” “Saving Grace,” at iba pa, available na sa Amerika

June 18, 2025 AT 08:19 PM

ABS-CBN streams top-rating current teleseryes on YouTube in the US

All of these programs as well as the rest of Kapamilya Online Live’s currently streaming shows are available on-demand for up to 48 hours (two days) after they are first aired in the Philippines. 

Pinakabagong episodes mapapanood na sa ABS-CBN Entertainment YouTube hanggang Hulyo 4
 

Extended ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan dahil available na sa Amerika ang mga kasalukuyang umeereng Kapamilya shows sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube kung saan ma-eenjoy ang special offering na ito simula ngayong araw (Hunyo 18) hanggang Hulyo 4.

Available na ang pinakabagong episodes ng mga Kapamilya teleserye kung saan masusubaybayan na ang maaksyong pagsabak ni Tanggol sa politika sa “FPJ’s Batang Quiapo,” ang mas tumitinding mga misyon ng mga Kontrak sa “Incognito,” ang inaabangang pagtatapos ng “Saving Grace: The Untold Story,” at iba pa.

Bukod sa mga primetime show, matututukan din ng mga taga-Amerika ang patok na programa na “It’s Showtime,” pati na rin ang pagbabalik-primetime ni Gerald Anderson sa crime thriller seryeng “Sins of the Father” kapag umere na ito sa Pilipinas simula Lunes (Hunyo 23). 

Available ang lahat ng programang ito at ang iba pang palabas ng Kapamilya Online Live nang on-demand at mababalik-balikan ang episodes sa loob ng 48 oras matapos umere sa Pilipinas.

Patuloy ang paglawak ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

Huwag palampasin ang espesyal na handog na ito na available hanggang Hulyo 4 ng 11:59 PM (EDT) at panoorin na ang mga paboritong Kapamilya show na “It’s Showtime,” “FPJ’s Batang Quiapo,” “Incognito,” “Saving Grace: The Untold Story,” “Sins of the Father,” at iba pa sa ABS-CBN Entertainment YouTube

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE