Walong grand finalists, maglalaban-laban sa The Final Showdown
Handa na ang entablado para sa tagisan ng galing at talento ng walong grand finalists sa “
Pilipinas Got Talent: The Final Showdown” ngayong Sabado (Hunyo 21) at Linggo (Hunyo 22) na gaganapin sa The Theater, Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque City.
Sa huling pagkakataon, ipapamalas na nina Ody Sto. Domingo, Femme MNL, JB Bangcaya, Jessie J, Cardong Trumpo, NDDU GNRLS, Carl Quion, at Manza ang lahat ng kanilang mga tinatagong pasabog para makuha ang pinakamataas na boto mula sa manonood at hurados na sina Freddie M. Garcia, Eugene Domingo, Donny Pangilinan, at Kathryn Bernardo.
Sino kaya sa grand finalists ang tatanghaling ikapitong grand winner ng “Pilipinas Got Talent?" Ang grand winner ng edisyong ito ay makakakuha nga ng P2 milyong grand prize.
Bukod sa final acts ng grand finalists, abangan din ang pasabog na number na hinanda ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Abangan ang “Pilipinas Got Talent: The Final Showdown,” simula 7:15 ng gabi ngayong weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Mapapanood din ito sa TV5 sa Sabado, 7:15 PM, at Linggo, 7:45 PM.
Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.