Alin sa mga natitirang kalahok ang susunod na makakapasok sa grand finals?
Uminit ang entablado ng “Pilipinas Got Talent” sa nakakabighaning fire balanncing act at nakakagulat na backflip moves nina JB Bangcaya at Jessie J na patungo na sa grand finals ng world-class talent search ng ABS-CBN.
Noong Linggo (Hunyo 1), pinahanga ni JB Bangcaya, ang Golden Buzzer act ni Eugene Domingo, ang mga hurado at manonood sa kanyang makapigil-hiningang fire dance. Dahil dito, nanguna ito sa online voting na nakakuha ng 64.15% at dumiretso na sa grand finals.
Samantala, nagpakitang-gilas naman si Jessie J sa kanyang powerful dance performance na may mensahe tungkol sa pagbangon mula sa depresyon. Pinahanga niya ang madla sa kanyang mga backflip moves at nakakuha ng 14.42% sa online voting.
Uusad na rin si Jessie J sa grand finals matapos piliin ng “PGT” power judges na sina Eugene, Freddie M. Garcia, Kathryn Bernardo, at Donny Pangilinan. Bigo naman si Dwyne Lopena, ang pumangatlo sa botohan, na makapasok sa grand finals.
Opisyal nang makakasama nina JB at Jessie J sina Ody Sto. Domingo at Femme MNL sa inaabangang grand finals ng “PGT” Season 7.
Kahit sa ilalim ng ulan, todo pa rin ang pagpapakitang-gilas ng mga semifinalists sa live episode na ginanap sa harap ng ABS-CBN Broadcasting Center, Sgt. Esguerra Ave, noong Sabado (Mayo 31). Ibinahagi ng mga host na sina Melai Cantiveros at Robi Domingo na nag-level up na ang mga kalahok sa kanilang mga performance para sa live semifinals.
Mas marami pang nakamamanghang performances ang aabangan sa susunod na linggo kung saan magpapasiklaban ang talentadong semifinalists para sa inaasam-asam na pwesto sa grand finals at tsansang manalo ng P2 milyon grand prize.
Abangan ang iba pang semifinals performance sa
“Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.
Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.