Filipino talent takes center stage as the country’s biggest singing competition, “Idol Kids Philippines,” featuring inspiring stories of kiddie hopefuls and a powerhouse panel of judges: Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, chart-topping singer-songwriter Juan Karlos, and Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Tampok ang galing sa kantahan ng Kiddie Hopefuls mula sa iba’t ibang panig ng bansa simula ngayong Hunyo 28
Handa na ang kiddie hopefuls na ibida ang kanilang galing sa kantahan sa pinakamalaking talent reality show at kauna-unahang “Idol Kids Philippines,” tampok ang naglalakihang bituin sa industriya ng musika sa Pilipinas na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer at songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Ibibida ng kiddie hopefuls mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kanilang world-class talent sa pagkanta at ibahagi ang kani-kanilang kwento sa pag-abot ng kanilang mga pangarap tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at TV5 simula ngayong Hunyo 28 (Sabado).
Muling haharap sa mga kiddie hopefuls si Regine na nagsisilbing inspirasyon sa maraming henerasyon ng mang-aawit sa loob ng mahigit apat na dekada. Handa siyang ibahagi ang kanyang yaman ng karanasan bilang OPM icon. Makakasama rin sa panel si Angeline, isang dating kontesera na unang sumikat sa “Star Power” at kinilalang “Queen of Teleserye Theme Songs” dahil sa kanyang iconic hits para sa ABS-CBN dramas.
Ready na ring mag-mentor ang Gen Z Idol judge na si Juan Karlos, ang breakout artist sa likod ng record-breaking hits na “Buwan” at “Ere” na kauna-unahang OPM track na nakapasok sa Spotify Global Top 100. Nagbabalik din bilang hurado ang multi-awarded performer na si Gary V. na may 26 albums at mahigit apat na dekada ng karanasan sa entablado’t telebisyon.
Paniguradong mapupuno ng good vibes ang weekend ng mga Kapamilya sa bagong duo hosts na sina Jolina Magdangal at Robi Domingo. Sasamahan din sila ng bagong IdolKada online hosts na sina Kapamilya actress at Idol Hopeful Shanaia Gomez at “PBB Collab Edition” celebrity ex-housemate Emilio Daez na makaka-bonding tuwing weekend ng netizens sa “Idol Kids Philippines Spotlight.”
Abangan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa “Idol Kids Philippines” simula sa Hunyo 28 (Sabado) at Hunyo 29 (Linggo).
Mapapanood ang “Idol Kids Philippines” tuwing Sabado, 7:15pm hanggang 8:30pm sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at tuwing Sabado (8pm hanggang 9:15pm) at Linggo (8:15pm hanggang 9:30pm) sa TV5.
Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.