News Releases

English | Tagalog

Fyang Smith, inilunsad and debut EP na "Forever Fyang"

June 23, 2025 AT 12:54 PM

Fyang Smith drops debut EP "Forever Fyang"

"Forever Fyang" EP tracks include “Mishu” and “Tayo Hanggang Dulo,” which topped iTunes PH’ songs chart.

“Mishu,” “Tayo Hanggang Dulo,” nanguna sa iTunes PH songs chart
 
Ganap nang recording artist ang “Pinoy Big Brother: Gen 11” Big Winner na si Fyang Smith matapos ilunsad ang kanyang five-track debut EP na “Forever Fyang” tampok ang “Mishu (Nasaan Si Fyang?)” at “Tayo Hanggang Dulo” na nasungkit agad ang una at ikalawang pwesto sa iTunes Philippines songs chart.
 
Ang lyric videos ng dalawang kanta kung saan tampok ang kapwa niya “PBB Gen 11” housemate na si JM Ibarra ay umani na ng mahigit 100,000 views. Mula sa komposisyon nina Trisha Denise at Dennis Campaner ang “Mishu” habang isinulat nina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at Perry Lansigan ang “Tayo Hanggang Dulo.”
 
Tampok sa mini album ang feel-good vibes at kwento ng pag-ibig magmula sa kilig hanggang sa pagkakaroon ng pangmatagalang koneksyon. Kabilang din dito ang tatlong bagong kanta na “Clingy AF” na isinulat ni Gabriel Tagadtad, “Kaya Mo Ba” nina Jeremy G at Jarea, at “Para Shoot” na mula sa award-winning composer na si Jungee Marcelo. Nagsilbing overall producer ng EP ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
  
Nagpasiklab si Fyang sa “Forever Fyang” album launch na naganap noong Linggo (Hun. 22) sa New Frontier Theater. Nakasama niya bilang special guests ang dating “PBB Gen 11” housemates na sina Kai Montinola, Kolette Madelo, Rain Celmar, JM Ibarra, at ang Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez-Alcasid. 
 
Pakinggan ang debut EP ni Fyang na available sa iba’t ibang streaming platforms at samahan siya “Forever Fyang” album launch at fan meet ngayong Linggo (Hun. 22). Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.