News Releases

English | Tagalog

McCoy, namaalam na bilang kontrabida sa “FPJ's Batang Quiapo”

June 25, 2025 AT 02:31 PM

More than half a million concurrent viewers tune in to David’s death episode in “FPJ’s Batang Quiapo”

As David’s chapter comes to a close in “FPJ’s Batang Quiapo,” netizens commended McCoy’s remarkable portrayal as an effective ‘kontrabida’ where he made viewers’ blood boil every night for more than two years.

Mahigit kalahating milyong viewers, sabay-sabay tinutukan ang maaksyong episode

Sabay-sabay tinutukan sa YouTube ng mahigit kalahating milyon o 673,931 na manonood ang pamamaalam ng kontrabidang karakter ni McCoy De Leon sa maaksyong engkwentro ng “FPJ’s Batang Quiapo” kagabi (Hunyo 24).

Tuluyan na ngang nagwakas ang buhay ng isa sa pinaka-kinamumuhiang karakter sa primetime TV na si David (McCoy) nang saksakin at barilin ito ni Miguelito (Jake Cuenca) matapos ang masalimuot na bakbakan.

Pero bago pa nito ay ang naunang matinding plot twist dahil pagkatapos ng ilang taon ng pagiging mortal na magkaaway nina David at Tanggol (Coco Martin), tuluyan nang humingi ng tawad si David sa kanyang kuya at nagsanib-pwersa ang dalawa sa isang madugong sagupaan laban kay Miguelito.

Sa kabila ng makapigil-hiningang bakbakan, napuno rin ng hinagpis ang naturang episode dahil sa pagluluksa ni Tanggol nang maabutan niya ang mga huling hininga ni David.

Sa pagtatapos ng kabanata ni David sa “FPJ’s Batang Quiapo,” umani ng samu’t saring papuri si McCoy kung saan mahigit dalawang taon niyang pinainit ang dugo ng mga manonood gabi-gabi para sa nakakagigil niyang pagganap bilang isang kontrabida.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.