New episodes of "The B Side" are available on Cinema One's Facebook and YouTube channel.
Bianca, aalamin ang buhay ng engaged couple na sina direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone
Magbabalik-tanaw si Maris Racal sa “The B Side” ni Bianca Gonzalez sa matitinding action scenes na pinagdaanan niya sa primetime series na “Incognito” at sa naging journey niya para sa pelikulang “Sunshine.”
Makakasama niya sa bagong episode ng talk show ng Cinema One na lalabas ngayong Biyernes (Hun. 27) ang “Incognito” director na si Lester Pimentel Ong, na magkukwento naman tungkol sa creative process ng teleserye.
Makakakwetunhan din ni Bianca ang mga direktor na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone tungkol sa mga aabangang proyekto nila at buhay nila bilang engaged couple sa isa pang bagong episode na mapapanood sa Hunyo 11.
Samantala sa pagsisimula ng “The B Side” season 2 na napapanood sa Cinema One Facebook page at YouTube channel, nakapanayam ni Bianca sina Derek Ramsay at Ogie Alcasid.
Inamin ni Derek Ramsay sa “The B Side” na pinili niyang mag-focus sa pagiging asawa at ama kaya napag-desisyunan niyang magpahinga sa showbiz. “When I get married is when I stop showbiz. My focus is going to be on them. I’m really enjoying being a dad,” ani Derek sa recent episode ng “The B Side.”
Ibinahagi naman ni Ogie na may upcoming musical siyang pagbibidahan na hango sa kanyang mga awitin. “I’m working on a musical, which I’ve been working on for 7 years. I’m playing the lead who’s a middle aged songwriter who lost everything in his life. He’s taking care of a young lady who loves to sing but he’s doing everything in his power to prevent her from singing because music has become his enemy,” saad ng “It’s Showtime” host.
Samahan si Bianca sa “The B Side” na napapanood sa Cinema One Facebook at YouTube channel. Ipapalabas din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6pm, Linggo, 9pm, at Lunes, 10am.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.