News Releases

English | Tagalog

Richard, Daniel sasabak sa huling misyon kasama ang kontraks sa "Incognito"

June 27, 2025 AT 03:57 PM

Kontraks solidify brotherhood, face one last battle in “Incognito"

“Incognito” stars Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, and Daniel Padilla will power through as a team one last time in Marawi to finally defeat El Cano as the series nears its finale.

Serye tungkol sa pamilya at panibagong pag-asa, magtatapos na..

Sasabak sa huling pagkakataon ang "Incognito" stars na sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla sa kanilang pinakamatinding misyon laban sa El Cano sa nalalapit na pagtatapos ng serye.

Sa finale media conference noong Huwebes (June 26), ibinahagi ni Richard na pinagtibay ng “Incognito” ang kanilang relasyon bilang magkakaibigan at bilang isang pamilya. 

"Every mission, habang tumatagal nagiging close yung buong grupo. Not only the actors but also the crew. Mas nagagamay namin 'yung isa't isa. For the finale, dito talaga nagbunga 'yung lahat ng bwelo ng grupo namin," sabi niya.

Ibinahagi ni Daniel ang kanyang realization ngayon na malapit na ang pagtatapos ng serye. “Masasabi kong ito ang pinakamagandang desisyong nagawa ko sa buhay ko. Grabe ang lahat ng natutunan ko, ang mga pinagdaanan ko, at ang personal na growth na naranasan ko.”

Binigyan diin din ni Direk Lester Pimentel Ong na naging susi ang naging closeness ng Kontraks on and off cam sa tagumpay ng programa.

"They carry each other. Pag pagod na, they support each other. Kahit tapos na 'yung scene nila, hindi sila aalis, sinusuportahan nila yung kasama nilang nagsu-shoot pa. 'Yung moral support is very big from each other. Even ako, I get my energy from them," sabi niya.

Ayon sa Star Creatives business unit head Des M. De Guzman, nagbigay ng pangalawang pagkakataon ang serye sa cast. "Incognito is a story of second chances, worth, and family. Alam naman natin pinagdaanan ng superstar cast natin. Hindi kami lumayo sa tunay na buhay, instead lumapit kami."

Naibahagi nga ni Maris na ang pagtanggap sa proyekto ang pinakamaganda niyang career decision dahil dream come true niya ang umarte sa isang action series. Malaki naman ang bilib ni Kaila sa kanyang karakter dahil sa katangian nito na kinakayang magsakripisyo para sa pag-ibig at tungkulin. 

Sa kabilang banda, sinabi ni Baron na isasabuhay niya ang magagandang katangian ni Miguel bilang isang ama, habang kiwento naman ni Anthony na hinangaan niya kay Tomas ang pagmamahal nito sa mga taong malalapit dito.

Sa finale trailer, nakita ang inaabangang paghaharap ng Kontraks at sina Manuel Aguinaldo at El Cano sa Marawi. Sa kanilang misyong pataubin ang El Cano, patuloy pa ring haharapin ng Kontraks ang sarili nilang hamon sa buhay, pag-ibig, at pamilya.

Huwag palampasin ang mga kapanapanabik na episode ng “Incognito” gabi-gabi tuwing 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Maaaring mapanood ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.