News Releases

English | Tagalog

“MMK,” hatid ang pasabog na aktingan ng mga batikan, baguhang aktor

June 27, 2025 AT 04:13 PM

“MMK” spotlights iconic performances in limited series run

Week after week on the new iWant, “MMK” has generated buzz for its emotionally gripping stories, while sparking conversations about the standout performances delivered by seasoned actors and rising stars. With each episode, the anthology reaffirms its reputation as a platform where actors are given space to stretch their range and shine.

Tampok ang mga makatindig-balahibo at makabagbag damdaming mga kuwento


Pasabog na aktingan at makatindig-balahibong mga kuwento ang hatid ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) sa nagdaang episodes nito tampok ang pagbabalik ng mga bigating aktor sa mundo ng showbiz.

Level up ang aktingan tuwing linggo sa mga bawat kuwentong tampok ng “MMK,” na eksklusibong napapanood sa iWant, dahil na rin sa pakikipagsabayan ng bagong Kapamilya stars sa mga batikan sa industriya.

Sa episode na “Make Up” nitong nakaraang linggo, pinusuan ng netizens ang nakakakilig na chemistry on screen nina “PBB Gen 11” Fourth Big Place Kai Montinola kasama ang Kapamilya actor at singer na si Kyle Echarri na gumanap sa kwento ng kilalang content creators na “Team Hanie.”

Balik-aktingan si Bela Padilla sa two-part special na “Sim Card” at “Bintana,” tampok ang masalimuot na kwento ng overseas Filipina worker at biktima ng human trafficking. Pinuri ang pagganap ni Bela dahil sa kanyang emosyonal na interpretasyon ng buhay ng kanyang karakter.

Nagbabalik din si Iza Calzado sa pagganap sa “Gumamela” episode bilang isang guro at madrasta na sinubok ng tadhana matapos maabuso mismo ng kanyang mga estudyante ang kanyang anak. 

Pinag-usapan naman online ang ang two-part special ng trahedyang sinapit ng pamilyang Maguad sa “Bahay” at “Envelope” episodes na pinagbidahan ng mga beteranong aktor na sina Dimples Romana at Joem Bascon bilang mapagmahal na mga magulang.

Trending ang pagganap ni Karina Baustista bilang mamamatay na ampon na si Jasmin sa kanyang makatindig-balahibong pagganap. Pinuri rin ang pagganap nina Criza Taa at Miguel Vergara bilang Gwynn at Boyboy na magkapatid na biktima.

Bumida naman ang beteranong si Romnick Sarmento sa kanyang pagganap bilang ama ni “The Voice USA” Season 26 grand champion Sofronio Vasquez kasama ang multi-awarded actor na si Elijah Canlas.

Ngayong linggo, nagbabalik ang dating child star na si Mutya Orquia na nakilala bilang Abby sa hit morning teleserye na “Please be Careful With My Heart.” Kakaibang Mutya ang matutunghayan sa kanyang pagganap bilang isang dalagang nakaranas ng sekswal na pang-aabuso. 

Sa huli nitong apat na episode, tuloy-tuloy ang ang “MMK” sa paghahatid ng inspirasyon sa sambayanang Pilipino kasama ang dekalibreng mga aktor mula noon hanggang ngayon.

Mag-subscribe na sa iWant sa halagang ₱35 lang kada buwan at panoorin ang iba pang iWant Exclusive Originals sa iyong Smart TV. I-experience ang unang patikim sa “glow-up” at bagong viewing experience hatid ng iWant bago ang inaabangang full relaunch ngayong Hulyo.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.