“TNT Kids” season 1 alum, nananabik sa pag-ibig sa “Papunta Na Ako” EP
Nagbalik-tanaw ang baguhang singer at rapper na si MAVEN o Dustin Gipala sa totoong buhay sa kanyang humble beginnings kasabay ng paglunsad niya ng kanyang debut extended play (EP) na “Papunta Na Ako.”
“Sinong mag-aakala na yung batang lumaki at patambay-tambay lang sa eskinita ay magiging kauna-unahang hip-hop artist ng Star Music. Dati tanging sarili ko lang ang nakakaalam ng mga ideya at kanta ko pero ngayon sobra-sobra pa yung nangyayari sa hinihiling at pinagdadasal ko noon,” saad niya sa TikTok post.
Tampok sa mini album ang anim na orihinal na komposisyon ni MAVEN tungkol sa init ng damdamin. Kabilang sa mga kanta nito ang “Papunta Na Ako,” “Gustong Gusto,” “Dito Ka Muna,” “Totoo,” “Balang Araw,” at “Sumama Ka” na prinodyus nina Cursebox at Young JV.
Sa key track na “Balang Araw,” ipinagtapat ni MAVEN ang kanyang nararamdaman para sa taong iniibig.
Unang nakilala ang Kapamilya rapper nang sumali ito sa blind auditions ng “The Voice Kids” noong 2015. Kasunod nito, sumabak naman siya sa unang season ng “Tawag ng Tanghalan Kids” noong 2019. Naging ganap siyang recording artist nang ilunsad ang debut single na “Dito Ka Muna” nitong Mayo.
Available ang “Papunta Na Ako” EP ni MAVEN sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.