News Releases

English | Tagalog

Kai Montinola, makulay ang "Kaileidoscope" sa debut EP

June 30, 2025 AT 12:09 PM

Nanguna sa iTunes Philippines albums at songs chart
 
Isang recording artist na ang “Pinoy Big Brother: Gen 11” finalist na si Kai Montinola matapos ilabas ang kanyang debut extended play (EP) na ”Kaileidoscope,”na nanguna agad sa iTunes Philippines albums chart habang lahat ng tracks nito ay nakuha ang buong top seven ng songs chart.
 
Umiikot ang mini album sa tema ng pag-ibig, self-worth, at emotional growth. Kasama sa mga awitin nito ay “Hay Naku,” “Self Love Era,” “Overthink,” “Kung Pwede,” “For You,” “No Conversation,” at “Shooting Star” tampok ang “PBB Gen 11” alum na si Jarren Garcia. Nagsilbing over-all producer ng EP ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
 


Pinaghalong Filipino, Ingles, at Cebuano lyrics ang ibinida ni Kai sa key track na “Overthink” na nagpapaalala na dapat maging maingat sa pag-ibig pero huwag hahayaan ang sarili na i-overthink ang damdamin. Mula ito sa komposisyon ni Trisha Denise at iprinodyus ni Rox Santos.
 
Samantala, all-out performances naman ang ipinakita ni Kai sa sold-out album launch at fan meet na “Kai’s The Limit” na naganap sa SM North Edsa Skydome nitong Sabado (Hunyo 28). 
 
Available ang “Kaileidoscope” EP sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.