Handa nang abutin ang kanilang mga pangarap
Inilunsad na ng Filipino boy group na WRIVE ang kanilang double-title music offering na “Ooh La La” at “Señorita” hudyat ng kanilang official debut bilang pinakabagong Filipino boy group mula sa ABS-CBN.
Binubuo ang WRIVE ng mga miyembro na sina Asi, Drei, Ishiro, Mathew, at Russu na unang nagkasama bilang contestants o Dream Chasers sa idol survival show na “Dream Maker” noong 2022. Sila ngayon ay nasa ilalim ng ABS-CBN talent management na Polaris-Star Magic at record label na Star Music.
Nagmula ang WRIVE sa katagang “we have arrived” na sumisimbolo sa pagkakaiisa nila upang maabot ang kanilang pangarap.
Tungkol ang kanilang pop-funk song na “Ooh La La” sa pag-abot sa kalangitan kasama ang taong iniibig. Mula ito sa produksyon ng ABS-CBN Music content, creatives, and operations head na si Jonathan Manalo at panulat nina ALAS at Jeremy G.
Samantala, may Latin influence naman ang pop-R&B song na “Señorita” na isinulat ng miyembro na si Russu at iprinodyus ni ALAS. Tungkol ito sa pagsisikap na makuha ang puso ng kanilang minamahal.
Mapapanood na ang music video ng “Ooh La La” sa Huwebes (Hulyo 17), 8pm sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Magiging bahagi aman ang dalawang kanta ng debut album ng P-pop group na nakatakdang ilunsad ngayong taon. Magpapakitang gilas din ang grupo sa nalalapit na Star Magic All-Star Games 2025 na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hulyo 25 (Linggo).
Makisayaw sa tinig ng “Ooh La La” at “Señorita” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang WRIVE sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Para sa updates, i-follow ang Star Music sa Facebook, X , Instagram, TikTok, at YouTube.