“Long For Your Love” single niya, umani na ng halos 1 milyong stream
Inilabas na ng baguhang singer na si David Young ang sophomore single niya na pinamagatang “Tender Lady” na naglalahad ng pagnanais na masilayan ang ngiti ng taong minamahal.
Mula sa orihinal na komposisyon ni David ang awitin na siya rin ang nag-produce kasama ang ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo.
Magiging bahagi ang “Tender Lady” ng kanyang debut extended play (EP) na ilulunsad sa ilalim ng Star Music.
Nitong nakaraang taon, pumirma ang Fil-Am singer-songwriter sa Star Music at inilabas ang debut single na “Long For Your Love.” Umani ito ng halos 1 million streams sa Spotify at naging viral sa classic sound nito.
Bukod sa pagiging composer at producer, marunong rin si David tumugtog ng piano, ukulele, guitar, at saxophone. Tinatawag din siyang young Elvis Presley dahil sa kanyang rock at blues na tunog. Nakasama na rin niya ang iba’t ibang OPM icons sa entablado tulad nina Kuh Ledesma at Marco Sison.
Kamakailan ay inilunsad ni David ang “Long For Your Love” music video tampok sina Karina Bautista at Josh Worsley.
Damhin ang pag-ibig ni David sa bagong awitin na “Tender Lady” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.