Inaming naging heartbroken din siya sa naging heartbreak ni Jayda
Nagpakatotoo si Dingdong Avanzado tungkol sa insecurities niya bilang ama at mga pangamba niya sa pagpasok ng anak na si Jayda sa showbiz sa latest episode ng Jeepney TV hostless talk show na “Stars on Stars.”
Sa nakakaantig na episode, inamin ni Dingdong na minsan ay naiisip niya kung pinahahalagahan ni Jayda ang mga sakripisyo na ginawa niya para sa anak.
Nabanggit niya rin na kahit kritikal pakinggan ang mga payo niya para kay Jayda ay nanggagaling ito sa lugar na puno ng pagmamahal.
“Minsan hindi ko alam kung na-appreciate mo what I do for you… I don’t say those things to put you down—I say them because I want you to be better,” emosyonal na pahayag ni Dingdong.
Ibinahagi rin niya ang pagnanais nila ng asawang si Jessa Zaragoza na protektahan si Jayda mula sa magulong mundo ng showbiz.
“Ang industriyang ito ay industriya ng walang katapusang pagpapatunay ng sarili mo. You always have to outdo your last performance. We wanted to spare you from that,” saad niya.
Subalit tinanggap din nila ang kagustuhan ng anak na ipamalas ang talento sa musika at pag-arte. Sabi ni Dingdong, “‘Yan ang ibinigay sa’yo ng Panginoon. And who are we to stop you from using your gifts?”
Naging emosyonal din si Jayda sa usapan nila at sinabing isinasapuso at isip niya ang bawat payo ng kanyang mga magulang.
“I do appreciate it—lalo na ‘yung wisdom ninyo. I know it comes from a deep place, from the struggles you and mom went through. Ayaw niyong maulit ko ‘yung mga pagkakamali niyo,” sagot niya.
Tinanong din ni Jayda si Dingdong kung paano ito nagco-cope kapag nakikita niyang heartbroken siya. Sabi ng singer-actress, “Was there ever a point during my heartbreak where your heart broke too?”
“Every time your heart breaks, my heart breaks,” sagot ni Dingdong. “Hindi mo man sinasabi lahat, pero alam ko—because I know how you love.”
Panoorin ang malalim na kuwentuhan nina Dingdong at Jayda sa sa “Stars on Stars” na available sa Jeepney TV Facebook page at YouTube channel. Para manatiling updated, sundan ang Jeepney TV sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok at mag-subscribe sa YouTube channel nito.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.