News Releases

English | Tagalog

Zaijan Jaranilla, gaganap na snatcher sa huling episode ng “MMK”

July 24, 2025 AT 05:22 PM

Tampok ang kwento ng pagbabagong-buhay at pag-asa

Bibigyang-buhay ni Kapamilya award-winning actor Zaijan Jaranilla ang buhay ng dating snatcher na ngayon ay isa nang jail officer matapos magbagong-buhay sa ika-13 at huling episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) na eksklusibong napapanood sa iWant simula nitong Miyerkules (Hulyo 28), tampok ang “unfiltered” version na available worldwide.

Gaganap si Zaijan bilang Venerando “Andot” Ebarita Jr., isang biktima ng kahirapan at pang-11 sa 13 magkakapatid. Sa kagustuhang makatulong sa pamilya, natutong magsugal si Andot para sa pera at kalauna’y napabarkada sa grupo ng mga snatcher.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabaril at napatay ni Andot (Zaijan) ang isa sa kanyang nanlaban na biktima. Mula rito, nakulong siya at dinala sa isang youth rehab facility — karanasang tuluyang nagbago ng kanyang pananaw sa buhay.

Sa direksyon ni Raz de la Torre at panulat ni Akeem Datol del Rosario, bibida ang kwento ng pag-asa at pagbabagong-buhay ng isang taong minsan nang naligaw ng landas.

Samantala, makakasama naman ni Zaijan sa episode na ito ang mga batikang aktor na sina Rosanna Roces at Dominic Ochoa na gaganap bilang mga magulang ng kanyang karakter.

Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing Sabado, 8:30 pm hanngang 9:30 pm.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Zaijan Jaranilla, gaganap na snatcher sa huling episode ng “MMK”