Megastar Sharon Cuneta and Prime Actress Julia Montes shattered the hearts of viewers with their gut-wrenching revelation scene in "Saving Grace: The Untold Story - The Last Hope."
Abangan ang matitinding komprontasyon sa huling tatlong linggo
Tumagos sa puso ng mga manonood ang eksena ng matinding iyakan at komprontasyon nina Sharon Cuneta at Julia Montes sa huling tatlong linggo ng "Saving Grace: The Untold Story - The Last Hope," kung saan naisiwalat na ang pasabog na rebelasyong sila ay totoong mag-ina.
Tinodo na ng dalawang aktres ang makabag-damdamin nilang mga emosyon sa inaabangang rebelasyon matapos malaman nga ni Anna (Julia) na siya nga ang totoong anak ni Miranda na iniwan sa ampunan noon. Hindi na nga nakapagpigil si Anna sa masakit na katotohanan at isa-isa nitong inilabas ang hinanakit laban kay Miranda (Sharon).
Magtutuloy-tuloy din ang mga pasabog na rebelasyon sa serye dahil malalaman na rin ni Anna na may taning na pala ang buhay ni Miranda.
Bukod dito, hindi lang ang harapan ng magkaribal na sina Helena (Janice de Belen) at Miranda ang matututukan ng mga manonood, kung ‘di pati na rin ang eskandalong komprontasyon sa pagitan nina Anna at Sarah (Jennica Garcia) sa lumalaki nilang hidwaan para protektahan si Grace (Zia Grace).
May pag-asa pa bang mapatawad ni Anna si Miranda? Posible pa kayang humupa ang matagal nang hidwaan sa pagitan nina Helena at Miranda?
Tutukan ang huling tatlong linggo ng seryeng "Saving Grace: The Untold Story - The Last Hope," gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa pinakabagong updates tungkol sa programa, bisitahin ang
savinggrace.abs-cbn.com. Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, and
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.