News Releases

English | Tagalog

Ben and Ben, Jonathan Manalo at Robert Labayen, nagsama para sa kantang "Alay Kapwa"

July 18, 2025 AT 11:20 AM

Napapanahong song collaboration! 

Nagsanib-pwersa ang Ben&Ben at sina Robert Labayen at Jonathan Manalo para sa kantang  “Alay Kapwa,” ang bagong theme song ng Alay Kapwa program ng Caritas Philippines na nagbibigay pugay sa mga donor at nag-eengganyo sa mga tagapakinig na suportahan ang programa.

“Through this, we honor those who give whatever they can, even when they have little,” sabi ng Ben&Ben, na kasalukuyang ambassador ng Alay Kapwa program.

“What makes this song so special is that it’s for a good cause, nag-eencourage, nag-iinvite sa mga listeners to take part, maging parte ng movement ng Alay Kapwa,” ani Jonathan, ang head ng ABS-CBN Music creatives, content, and operations na siyang naglapat ng musika at nagprodyus ng kanta.

Binigyan-diin din ni Robert, head ng ABS-CBN Creative Communications Management division at siyang sumulat ng kanta, ang layunin ng awitin.

Aniya, “Ang purpose talaga nitong kanta sana maramdaman at mapukaw ang kanilang compassion, maramdaman nila na oo nga may mga taong nangangailangan at meron naman akong talent na pwedeng i-share.”

Ayon kay Jonathan, inabot sila ng dalawang taon para matapos ang kanta at napuno ng puso at panalangin ang naging journey nila sa pagbuo nito. Kasabay ng paglunsad ng “Alay Kapwa” ang pagdiriwang ng ika-50 taon ng Caritas Manila.

Available na sa ABS-CBN Star Music YouTube channel ang “Alay Kapwa” lyric video. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Ben and Ben, Jonathan Manalo at Robert Labayen, nagsama para sa kantang "Alay Kapwa"