Sa kalagitnaan ng “BINIverse World Tour,” inilabas ng nation’s girl group na BINI ang kanilang special tour single na “Shagidi” na hango mula sa isang larong Pinoy.
Proud na ibinida ng grupo sa kanta ang Pinoy cultural pride at global pop appeal nito. Si BINI Maloi ang nagdisenyo ng single cover.
Naging inspirasyon ito para sa kanilang recording session ng sumunod na araw kasama ang composers ng kanta na sina Marqueze Parker, Tommy Brown, Courtlin Jabrae, JBach, at Angela Ken.
Kamakailan ay inilabas ng BINI ang kanilang comeback single na “Blink Twice” mula sa “BINIverse” EP. SInundan ito ng “Zero Pressure” performance video na inilunsad noong Mayo.
Napanonood na rin ang kanilang unang variety show na “BINIversus” sa BINI Official YouTube channel. Kasalukuyang nasa world tour ang grupo at bumisita sa iba’t ibang lugar sa North America.
Makisayaw sa bagong BINI anthem na “Shagidi” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang bini.abs-cbn.com.