Pagkatapos sumabak sa “TNT All-Star Grand Resbak”
Bagong bersyon ng iba’t ibang OPM love songs ang hatid ng dating “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak” contestant na si Enzo Almario sa kanyang debut extended play (EP) na “Gunita.”
Tampok sa mini album na inilabas ng StarPop ang remake ng “Hanggang Kailan,” “Dito Na Lang,” “Mas Mabuti Pa,” “Gisingin Ang Puso,” “Kakayanin Kaya,” at “Hanggang Dito Na Lang.”
Tungkol sa dalamhati ng pagtatapos ng relasyon ang key track na “Hanggang Kailan” na unang inawit ni Michael Pangilinan. Iprinodyus ito ni StarPop label head Roque “Rox” Santos na siya ring sumulat kasama si Cynthia Roque.
Nagsimula ang musical journey ni Enzo nang madiskubre siya sa Santa Rosa, Laguna sa edad na 8 taong gulang. Una siyang nakilala nang sumali sa “Tawag ng Tanghalan” season 3 noong 2018 kung saan naging daily winner siya at matapang niyang inamin ang pagiging genderqueer.
Sa kasunod na taon, nakapasok siya sa semi finals ng “Idol Philippines” season 1 at naging bahagi ng singing trio na iDolls kasama sina Matty Juniosa at Lucas Garcia. Kamakailan ay nagbalik sa “TNT” stage si Enzo at naging resbaker sa “All-Star Grand Resbak” season 2.
Bukod sa pag-awit, bumida rin si Enzo sa iba’t ibang serye tulad ng “Love Bites,” “Sleep With Me,” at pelikula na “Ma’am Chief: Shakedown in Seoul.”
Available ang “Gunita” EP ni Enzo sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.