Bida ang ano mang feels ang feel at want mo sa bagong iWant
Una sa paghahatid ng iba’t ibang emosyon ang loveteam nina “PBB Gen 11” big winner Fyang Smith at ex-housemate JM Ibarra sa kanilang unang iWant Original series at pamatay na kwento ng taon na “Ghosting” na unang digital series na ma-release sa bagong iWant.
Sa pagbisita nina Fyang at JM sa segment na Escort of Appeals ng “It’s Showtime” nitong Hulyo, pinuri nina Unkabogable Star Vice Ganda at Chinita Princess Kim Chiu ang bagong iWant at hinikayat ang madlang pipol na gamitin sa panonod ng kanilang favorite shows ang nasabing app.
Samantala, bida sa brand film ng iWant ang iba’t ibang emosyon ng Pinoy gaya ng tampo, senti, gigil, harot, sindak, kurot, at kaba kasabay ng misyon nito na maging kasama ng mga Pilipino sa bawat kwento ng kanilang buhay.
Tampok sa fresh lineup offerings ng bagong iWant ang “Love at First Spike” na pinagbibidahan ni “PBB Collab” ex-housemate Emilio Daez kasama sina Kapamilya stars Sean Tristan at Reign Parani, sa isang coming-of-age sports series na bida ang kwento ng Gen Z high school life sa larangan ng volleyball.
Kasama rin sa lineup at hindi pahuhuli sa listahan ang ilan sa mga minahal na mga pelikula gaya ng “A Very Special Love” nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, na punong-puno ng harot at kilig dahil sa kanilang walang kupas na chemistry.
Para naman sa mga naghahanap ng sindak at suspense, nariyan pa rin ang horror hit na “Feng Shui” na pinangunahan ni Kris Aquino, isang all-time favorite horror movie na siguradong magpapakaba at magpapakilabot pa rin sa mga manonood.
Para naman sa makatindig-balahibong mga kuwento na kukurot sa inyong mga puso, available rin sa iWant ang “MMK” limited series, at eksklusibong director’s cut nito na mapapanood lang sa iWant, ni Charo Santos tampok ang ilan sa bigating aktor sa mundo ng showbiz gaya nina Elijah Canlas, Angelica Panganiban, Dimples Romana, Joem Bascon, at Iza Calzado.
Pwede ring balik-balikan ang iba pang all-time classic favorites na “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, “The Super Parental Guardians” nina Vice Ganda at Coco Martin hatid ang gigil at katatawanan, at iconic na pelikulang pampamilya na “Four Sisters and A Wedding” ni direk Cathy Garcia-Molina hatid ang senti at halakhak feels.
Available na rin sa iWant ang exclusive access sa iWant Originals at mga palabas mula sa production partners nito tulad ng ABS-CBN Studios, GMA (international titles), Regal Entertainment, Viva, at mga multi-awarded na content creators gaya ng MavX, Project 8, Nathan Studios, The Fat Kid Inside, Kinetec, at marami pang iba.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.