News Releases

English | Tagalog

"Only We Know," pinuri, tumagos sa puso ng mga artista, direktor, at media

June 05, 2025 AT 04:57 PM

"Only We Know" earns positive reviews from celebs, filmmakers, and media

“Only We Know” has instantly captured the hearts of celebrities, esteemed filmmakers, and entertainment journalists and bloggers who watched the special advanced screening

Charo at Dingdong, may meet & greet sa Canada at USA ngayong Hunyo
 
Umani ng papuri ang pelikula nina Charo Santos at Dingdong Dantes na “Only We Know” mula sa Kapamilya stars, kilalang mga direktor, at entertainment media at bloggers na nakanood na ng advanced screening.

Bumuhos ang magagandang salita para sa nakakakilig na pelikula, partikular na rito ang nakakaantig na mensahe tungkol sa dalawang taong nagmamahalan, ang magandang pagkalapat ng musika sa bawat eksena, pati na rin ang husay sa pagganap nina Charo at Dingdong para sa una nilang tambalan.

Naging emosyonal nga raw sina Vice Ganda at Eugene Domingo pagkatapos itong mapanood at itinawag itong “beautiful story.” “Nakakatuwa, masaya, then eventually malungkot na ako. Ang dami kong na-realize and it made me cry,” sabi ni Vice. 

Dagdag ni Eugene, “Napakaganda niyang pelikula. This film will really stay long in our minds and in our memories because you know the people in this film.” 

Pinangunahan naman ni Mae Cruz-Alviar ang papuri ng mga direktor para sa galing ng pagkalatag ng kwentong pampag-ibig at sinabing, “The beauty is in its simplicity.”

Para naman sa entertainment editor ng The Philippine Star na si Nathalie Tomada, pinuri niya ang ‘di pangkaraniwan ngunit matapang na tema ng pelikula at inaasahan niyang tatatak ito sa puso ng mga manonood. Ibinahagi rin ng entertainment at lifestyle journalist ng Philippine Daily Inquirer na si Marinel Cruz sa isang social media post na natuwa siya sa nakakaintrigang relasyon nina Charo at Dingdong sa pelikula, lalo na at umuusbong daw ang kilig sa pagitan ng dalawa.

Ayon naman sa sikat na entertainment blog na LionHeartTV.net, isa itong “love letter to healing and second chances” at tumagos daw sa mga eksena ang bawat iyak, tawa, at nakakakilig na sulyap ng mga karakter.

Mapapanood ang “Only We Know,” mula sa panunulat at direksyon ni Irene Emma Villamor, sa mga sinehan sa iba’t ibang parte ng mundo simula sa Pilipinas ngayong Hunyo 11. Magiging available rin ito sa Australia, New Zealand, USA, Canada, Guam, UAE, Singapore, Malaysia, Brunei, Oman, Qatar, Kuwait, Bahrain, Hong Kong, at Macau.

Makakasama rin sina Charo at Dingdong sa special screenings at meet and greet sa Canada (Hunyo 20 at 21) sa Cineplex Scarborough Town Centre at sa United States (Hunyo 22) sa Cinemark Carson. Magiging available ang tickets sa mytfc.com

Ang “Only We Know” ay iikot sa espesyal na relasyon sa pagitan nina Betty (Charo) at Ryan (Dingdong), na sa kabila ng kani-kanilang mga poot sa buhay, muling titibok ang kanilang mga puso dahil sa isa’t isa. 
Para sa iba pang mga detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok. Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom