
Kinakiligan at damang-dama ng netizens ang chemistry nina Fyang at JM sa kabila ng pagiging baguhan nila sa showbiz matapos maging housemates ng “Pinoy Big Brother Gen 11.”
Inulan ng papuri ang official trailer at halos wala rin umanong masabi ang fans nina Fyang at JM sa ipinamalas na aktingan kahit hindi pa man nagsisimula mismo ang kanilang series.
Excited din ang netizens sa pagsisimula ng love story nina Jaja (Fyang) at Wilberto (JM) sa walong episode na series tampok ang kwento ng isang dalagang estudyante na na-inlove sa isang misteryosong probinsyano na literal na “ghost” o multo.
Alamin kung posible nga bang ma-inlove ang mga taong minsan nang na-ghost sa “Ghosting,” eksklusibong mapapanood sa iWant simula Hulyo 19 (Sabado).
I-download o i-update na ang inyong iWant app para ma-enjoy ang pinakabagong streaming experience na ngayon ay available na sa smartphones, smart TVs, tablets, at computers.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo. Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.