News Releases

English | Tagalog

Fyang, JM, bibida sa iWant series na “Ghosting,” simula ngayong Hulyo 19 sa iWant

July 19, 2025 AT 12:14 PM

Hatid ang pamatay na kilig at kwento ng taon tampok ang trending na loveteam

Bibida sina “PBB Gen 11” big winner Fyang Smith at ex-housemate JM Ibarra sa kanilang kauna-unahang iWant Original digital series na “Ghosting” bilang ganap na loveteam tampok ang ang pamatay na kwento ng taon na eksklusibong mapapanood sa iWant simula ngayong Sabado (Hulyo 19), 8pm (PHT).

Tampok sa walong episode ng “Ghosting” ang kwento ng isang dalagang estudyante na si Jaja (Fyang) na nagdedisyong manirahan sa probinsya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, na-inlove siya sa isang misteryosong probinsyano na si Wilberto (JM) na literal na “ghost” o multo.

Umabot na ng mahigit 30 million views sa social media at YouTube ang patikim na teasers at official trailer, isang linggo bago pa man ang official release ng series.

Kinakiligan at damang-dama ng netizens ang chemistry nina Fyang at JM sa kabila ng pagiging baguhan nila sa showbiz matapos maging housemates ng “Pinoy Big Brother Gen 11.”

Isa ang “Ghosting” sa unang digital series sa bagong bersyon ng iWant, tampok ang bagong mukha nito at mas pinalawak na pagpipilian ng mga inaabangang palabas mula telebisyon, pelikula, at online series.

Kasama rin sa cast sina Kobie Brown (PBB Connect), Vivoree (PBB Lucky 7), Zach Guerrero (PBB Kumunity), Kapamilya singer Gello Marquez, at mga batikang aktres na sina Peewee O’Hara at Ces Quesada.

Sa direksyon ni Ted Boborol, ang direktor ng ilang blockbuster movies na “Vince, Kath, & James,” “James & Pat & Dave,” at ‘Finally Found Someone,” bibida sa “Ghosting” ang kwento ng second chances at pag-iibigan na walang hanngangan, hanggang kabilang buhay.

Alamin kung posible nga bang ma-inlove ang mga taong minsan nang na-ghost sa “Ghosting,” eksklusibong mapapanood sa iWant simula Hulyo 19 (Sabado), 8pm.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).

I-download ang iWant sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Fyang, JM, bibida sa iWant series na “Ghosting,” simula ngayong Hulyo 19 sa iWant