Rain Celmar makes her debut as a recording artist with her EP titled "b luvd."
Nagpakitang gilas sa sold-out album launch at fan meet sa Skydome
Inilunsad ng “Pinoy Big Brother: Gen 11” finalist na si Rain Celmar ang kayang debut extended play (EP) na “b luvd” na may tema ng pag-ibig at buhay mula sa perspektibo ng kabataan.
Tampok sa multi-genre EP ang limang awitin na “eyes open,” “b luvd,” “ligaya,” “miss senti(mental),” at “pahuway.”
Sa key track na “b luvd,” ibinahagi ni Rain ang mensahe ng paghihintay para sa pag-ibig sa kabila ng mixed signals na kanyang natatanggap. Isinulat ito ng kapwa Kapamilya artists niya na sina Fana, Jarea, at Jeremy G.
Halong Filipino, Ingles, at Cebuano naman ang tatlong awitin na isinulat ni Rain na “eyes open,” “miss senti(mental),” at “pahuway.”
Nanguna ang EP sa iTunes Philippines at Singapore albums chart habang umarangkada naman ang limang awitin nito sa song charts. Nakapasok din ito sa iTunes Worldwide Albums chart sa ika-67 na pwesto.
Pormal niyang inilunsad ang mini-album sa sold-out na “Meteor Rain” fan meet na ginanap sa SM North Edsa Skydome. Ibinahagi ni Rain ang kanyang pasasalamat para sa mainit na suporta na ipinakita sa kanya bilang ganap na recording artist.
“To my incredible Raindears, shippers, family, and friends, you all turned my first album launch "Meteor Rain" into an unforgettable moment in my life! Your support, love, and presence mean everything to me. I see all the effort and sacrifices you've made, and I'm beyond blessed to have you all in my life,” saad ni Rain sa Instagram post.
Available ang “b luvd” EP ni Rain sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.