“Saving Grace” kabilang sa 38 nominado sa Global OTT Awards ngayong taon
Patuloy na tumatanggap ng pagkilala internationally ang ABS-CBN matapos makakuha ng nominasyon ang drama series nitong “Saving Grace” para sa Best Asian Contents sa paparating na Global OTT Awards.
Pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta, at child star na si Zia Grace, nag number one ang “Saving Grace” sa Prime Video Philippines kung saan sinundan ng mga manonood ang nakakaantig-pusong kwento nito.
Halaw sa Japanese drama na “Mother,” ito ang kauna-unahang Filipino adaptation ng ABS-CBN ng isang serye mula sa Nippon TV.
Ang Global OTT Awards ay kumikilala sa mga huwaran sa TV at digital content sa buong mundo. Ihahayag ang mga magwawagi sa darating na Agosto 24.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.