News Releases

English | Tagalog

Maki, may homecoming surprise; "KOLORCOASTER" album, magbibigay-kulay sa Setyembre 19

August 04, 2025 AT 03:31 PM

Pagkatapos ng matagumpay niyang US at Canada tour

Nakatakdang ilabas ng Kapamilya singer na si Maki ang debut album niyang “KOLORCOASTER” sa ilalim ng Tarsier Records sa darating na Setyember 19.

Maglalaman ang “KOLORCOASTER” ng 10 kanta, kasama na ang pinasikat niyang mga awitin na “Namumula,” “Bughaw,” “Dilaw,” at ang latest single na “kahel na langit.”

Inanunsyo niya ang good news matapos ang matagumpay na US tour kasama ang bandang Silent Sanctuary US at Canada tour kasama naman si James Reid. Naghatid saya siya sa Seattle, San Francisco, Las Vegas, Los Angeles, New York, Winnipeg, Edmonton, Toronto, at Calgary.

Dobleng good news naman ang natanggap ni Maki sa pag-uwi niya sa bansa sa pagkapanalo niya sa The New Hue Video Music Awards 2025 bilang Male Artist of the Year at Song of the Year para sa hit single na “Dilaw.”

Panibagong achievement din ang nakuha ng breakout artist na nominado sa Jupiter Music Awards 2025. Pasok si Maki bilang Male Artist of the Year nominee habang ang “Dilaw” at “Sikulo” kasama sina Angela Ken at Nhiko ay nominado sa Song of the Year, Music Video of the Year, at Collaboration of the Year.

Abangan ang “KOLORCOASTER” album ni Maki na mapapakinggan sa Set. 19 at i-stream ang latest single niya na “kahel na langit.” Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Maki, may homecoming surprise; "KOLORCOASTER" album, magbibigay-kulay sa Setyembre 19